LRT-2 tinamaan ng kidlat; mga pasahero pinababa

Jun I Legaspi Sep 22, 2026
90 Views

NAANTALA ang serbisyo ng Light Rail Transit-2 matapos makaranas ng technical problem dakong 2:30 ng hapon, Martes, ayon sa awtoridad.

Ayon sa advisory ng management ng LRT-2 pinababa ang ilang pasahero ng LRT-2 sa Cubao Station dahil sa teknikal isyu matapos tamaan ng kidlat ang overhead electrical cable ng train system sa Antipolo Station.

Ayon sa post ng LRTA, tinamaan ng kidlat ang catenary wire nito sa naturang istasyon.

Pansamantalang nagpapatupad ng provisionary operation ng LRT Line 2 kung saan limitado biyahe ng tren mula Recto Station hanggang Araneta Center-Cubao Station lamang at pabalik.

Sa update ng management nagpapatuloy naman ang provisional service ng LRT-2 matapos ang pagkaputol ng catenary wire sa Antipolo station dahil sa kidlat.