Calendar
Ang mag-asawang lolo at lola na suspek sa droga.
Kuha ni JONJON C. REYES
Mag-asawang lolo, lola arestado sa P3.4K droga
MAGKASAMA sa hirap at ginhawa, hanggang kulungan ang mag-asawang lolo at lola na nahulihan umano ng ipinagbabawal na gamot ng mga operatiba Martes ng hapon sa Tondo, Manila.
Ang mag-asawa ay inaresto sa Six Storey Bridge malapit sa kanto ng Mel Lopez Boulevard sa Barangay 118, Tondo.
Nakilala ang mag asawang suspek na sina alyas Eddie, 63, miyembro ng BCJ Gang at alyas Dayday, 63, kapwa naninirahan sa Six Storey Bridge, Barangay 118.
Ayon sa report ng pulisya, bandang 4:03 ng hapon nang damputin ang mag-asawa nina Edwin E. Lazatin at Gerardo S. Gaspar, kapwa Barangay 118 tanod sa Tondo sa tulong nina PSSg. Benjamen Jr. R. Suansing at Pat. James T Bongwa.
Narekober sa mga suspek ang dalawang sachet na may hinihinalang shabu na may timbang na .5 gramo at nagkakahalaga ng P3,400.
Kasalukuyang nakakulong sa nasabing himpilan ang mga suspek. Inihahanda na ang mga kaukulanga dokumento para sa pagsasampa ng kaso laban sa kanila.

