Manyak

Lalaki hinuli sa pagmanyak sa dalagita

Edd Reyes Jul 22, 2026
108 Views

TIMBOG ang 31-anyos na kelot na akusado sa pag-manyak sa menor-de-edad na dalagita Martes ng hapon sa Taguig City.

Nasukol kaagad ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco si alyas “Crisanto” dakong alas-2:40 ng hapon matapos matunton sa kanyang tinutuluyan sa Mauling St. Brgy. Lower Bicutan, katuwang ang mga tauhan ng Taguig Police Station.

Ayon kay P/Maj. Fort Antony Valdez, hepe ng District Special Operations Unit (DSOU) ng SPD na nanguna sa operasyon, isinagawa nila ang pagtugis sa akusado matapos maglabas ng warrang of arrest si Taguig City Family Court, National Capital Judicial Region Presiding Judge Byron Gabbuat San Pedro ng Branch 15 noong Lunes, Hunyo 20, para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to Child Abuse.

Pansamantalang nakapiit sa custodial facility ng DSOU si alyas “Crisanto” na may pagkakataong makalayang pansamantala sa oras na makapaglagak ng itinakdang piyansa ng hukuman na P180,000.00.