Dalaga Ang 18-anyos na dalaga na nakitang nakabitn at wala nang buhay sa comfort room. JONJON C. REYES

18-anyos nakitang nakabigti sa banyo

Jon-jon Reyes Jul 21, 2026
110 Views

NATAGPUANG nakabigti at patay na ang 18-anyos na lalaki sa comfort room ng bahay na makikita sa Champaca St., Brgy. 900, Punta, Sta. Ana, Manila, noong Lunes.

Nakilala ang biktima na si alyas Sharmaine, 18, walang asawa, may trabaho, at residente ng nasabing address.

Ayon sa report, bandang alas-2:20 ng hapon natuklasan ng saksi ang biktima na nakabitin mula sa lubid sa kanyang leeg at agad itinawag ang insidente sa duty officer ng pulis sa Sta. Ana Police Station 6.

Sa imbestigasyon, dumating ang saksi na si alyas Lyn, 24, sa kanilang tirahan bandang ala-1:00 ng hapon.

Bandang alas-2:20 hapon, nag-alala ang saksi matapos mapansing hindi lumalabas ng silid ang biktima.

Binuksan niya ang pinto ng silid ng biktima at doon niya natagpuan ang nakabitin na biktima.

Iniulat ang pangyayari sa mga pulis at inihatid ng mga rumespondeng pulis ang saksi sa Sta. Ana Police Station para sa beripikasyon.