Calendar
Kinilala ni Police Capt. Archie Arceo ang suspek na nagnakaw ng mga mamahaling sapatos at tsinelas sa apartment sa Tondo, Manila. JONJON C. REYES
Obrero swak sa rehas dahil sa ninenok na P19K sapatos, tsinelas
SWAK sa selda ang 30-anyos na obrero makaraang mahuli na ninakaw nito ang mga sapatos at tsinelas na na nasa P19,000 at inilagay sa timba sa apartment sa 412 Pilapil St., Brgy. 68, Tondo, Manila noong Lunes.
Nakilala ang suspek na si alyas Arnel, ayon kay Police Capt. Archie Arceo ng Don Bosco Police Community Precinct.
Bandang alas-4:15 ng umaga nang nakawin ng suspek ang mga sapatos at tsinelas, ayon sa pahayag ng biktima na si alyas Rhona, 32, may-ari ng mga ninakaw.
Sa pamamagitan ng CCTV footage, nakita ng biktima ang suspek na kinuha ang mga nasabing gamit kaya nagtungo ang biktima sa Don Bosco PCP para iulat ang nangyaring insidente.
Naaresto ang suspek pero hindi na nabawi ang ilan sa mga ninenok na items,
Kabilang sa mga ninakaw at nabawi ang 1 pares ng Jordan shoes na (P7,000), 1 pares ng Nike (P6,000) at timba.
Hindi na nabawi ang 1 pares ng Crocs slide (P3,000) at 1 pares Nike slide (P3,000).
Inihahanda na ang mga kaukulang dokumento upang magsampa ng kasong pagnanakaw laban sa suspek sa City Prosecutor’s Office ng Maynila.

