Vic Reyes

Magandang performance ng DOC di nakakapagtaka

Vic Reyes Feb 4, 2026
123 Views

MAPAGPALANG ARAW sa lahat ng ating mambabasa. Lalo na sa mga suki natin diyan sa Japan.

Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.

Binabati rin natin sina Ma. Theresa Yasuki, Aimi Houchii, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Chato Coronel, Yoshiko Katsumata, Endo Yumi, Roana San Jose, Lorna Pangan Tadokoro, Hiroki Hayashi, Winger dela Cruz, at si Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman at Jess Manuel ng Saudi Arabia.

***

Hindi na tayo nagtataka kung bakit tuloy-tuloy ang magandang performance ng mga opisyal at kawani ng Bureau of Customs (BOC) na pinamumunuan ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno.

Inspirado kasi sila sa nakikita nilang determinasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na pagandahin ang buhay ng lahat ng mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap.

Ito ngang nakaraang Enero ay umabot ng P80.744 bilyon ang revenue collection ng BOC, ang pangalawang pinakamalaking revenue generating agency ng gobyerno nasyonal.

Ang P80.744 bilyon ay lampas ng P513 milyon sa target collection ng BOC sa unang buwan ng kasalukuyang taon.

Noong Enero 2025 ay umabot lang ng P70.254 bilyon ang tax collection ng ahensiya.

“Exceeding our January target is a strong affirmation of the hard work of our customs personnel and the growing cooperation of the trade community,” sabi ni Commissioner Nepomuceno.

At determinado ang mga taga-BOC na i-sustain ang “level of efficiency” sa mga susunod na buwan, dagdag pa ni Nepomuceno.

Ito ay para makatulong sa “economic agenda” ni Pangulong Marcos.

Noong nakaraang buwan ng Enero ay nakakumpiska rin ang ahensya ng mga kontrabandong nagkakahalaga ng P886.8 milyon.

Sa anti-smuggling operations ay katulong ng BOC ang mga taga-Philippine Coast Guard, Philippine Drug Enforcement Agency, National Bureau of Investigation, at Philippine National Police.

***

Napakahalaga ng ginagampanan ng Bureau of Customs (BOC) sa nationwide campaign laban sa tinatawag na “drug monster.”

Ito ay dahil ang bulto ng illegal drugs, kasama na ang shabu, cocaine at marijuana, na ipinagbibili sa Pilipinas ay nanggagaling na sa labas ng bansa.

Ang mga drug laboratories, na ino-operate ng mga dayuhang chemists sa bansa, ay isa-isang binuwag ng mga otoridad.

Noon ngang Enero 26 ay nakasakote ang BOC sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng marijuana-infused candies, vape cartridges na naglalaman ng cannabis oil, at tuyong dahon ng marijuana.

Ang mga kontrabando ay nakalagay sa incoming parcels sa Central Mail Exchange Center (CMEC) saPasay City, ayon sa BOC-NAIA.

Dahil nakitaan ng “suspicious indicators,” ang mga parcels ay idinaan sa 100 percent examination ng mga tauhan ng BOC-NAIA.

Ang mga kontrabando at claimant ng parcels ay naka-turned over na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) “for proper disposition.”

Sinabi ni BOC-NAIA District Collector Yasmin O. Mapa na hindi sila papayag na magamit ang mga pasilidad “for illegal drug activities.”

“The interception underscores the bureau’s continued efforts to detect and prevent the entry of illegal drugs through postal and courier channels.”

Keep up the good work, Collector Yasmin O. Mapa.

***

Ang mga nakahaing impeachment raps sa House of Representatives ay siguradong dadaan sa legal at tamang proseso.

Pabayaan nating magtrabaho ang mga kongresista dahilt rabaho nilang tanggapin, pag-aralan at desisyonan ang mga ito.

Iwasan nating pangunahan ang desisyon ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil nandiyan naman ang impeachment rules.

Kung ano man ang maging hatol nila sa mga reklamo ay dapat respetuhin dahil sila naman ang ating mga boses sa Kongreso.

Sila ang nakakaalam kung nararapat ma-impeach ang isang lingkod-bayan.

‘Yan ang kagandahan ng nabubuhay sa isang bansang demokratiko na kagaya ng Pilipinas.

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)