Calendar
PBBM hahabulin nagsasabotahe sa kanyang admin
ISANG mapagpalang araw sa lahat ng ating suki, lalo na sa ibang bansa.
Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina
Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, La Dy Pinky, Endo Yumi, Tata Yap Yamazaki, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at kay Hiroshi Katsumata, na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon Disyembre 14.
Happy Birthday, kaibigan!
Binabati rin natin sina Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.
***
Sa taong ito, inaasahang lalong gaganda ang serbisyo sa dating “snake-infested” na aduana dahil sa mga pagbabagong sinimulang ipatupad ng Bureau of Customs (BOC) noong nakaraang taon.
Alam nina Commissioner Ariel F. Nepomuceno at mga kasama na kailangang “BOC marches with the fast-changing times para hindi sila maiwan sa pansitan.”
Kaya noon pa mang 2025 ay pinaigting ng ahensya ang digitalization program nito para mapabilis ang processing at paglabas ng mga importasyon sa ports of entry sa buong bansa.
Ito ay naglalayong mapabilis, maayos at mapaganda ang operasyon ng negosyo.
Ang trade facilitation ay nagagawa sa pamamagitan ng“digitalization at pagpapatupad ng iba’t ibang “highly-effective policy reforms.
Naniniwala tayo na lahat ng mga ginagawang ito ng liderato ng BOC ay magbubunga sa mas magandang serbisyo sa waterfront.
Kapag tuloy-tuloy ito ay tataas ang revenue collection, mawawala ang red tape at mababawasan ang katiwalian at korapsyon sa aduana.
Pero kagaya ng ibang opisina at ahensya ng gobyerno, hindi lubusang matitigil ang mga kalokohan diyan sa aduana.
Ang mahalaga ay hindi tumitigil ang top leadership ng BOC para maging world-class ang government service sa mga ports of entry.
Ito ay ayon sa marching orders ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kahit meron na lang mahigit na dalawang taon ang pananatili ni Pangulong Marcos sa Malacanang ay sapat pa ito para paangatin ang kalidad ng buhay ng mga Pinoy.
Naniwala tayo na hindi siya magiging “political lameduck” kagaya ng inasam-asam ng kanyang mga “destructive critics.”
Sa halip ay maghanda-handa sila kasi hahabulin ni Pangulong Marcos ang mga sumasabotahe sa kanyang administrasyon.
Sa aduana naman ay mananatiling customer-friendly ang mga opisyal at kawani ng BOC na pinamumunuan ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno.
***
Sampung tulog na lang magsisimula na ang tinatawag na “Lenten Season” ng mga Katoliko at ibang Kristiyano sa mundo.
Ang “Lenten Season” o “Kuwaresma” ay magsisimula sa Pebrero 18 kung saan pupunta sa mga simbahan angmga tao para sa “Ash Wednesday” celebration.
Sa araw na ito ay lalagyan ng pari ng abo ang mga noo ng mga deboto.
Naniniwala tayo na sa panahon ng “Kuwaresma” ay magbabago “for good” ang maraming tao dahil maalaala nila ang pagkamatay ni Kristo sa Krus ng Kalbaryo.
Ayon sa Bibliya, namatay si Jesus Christ mahigit dalawang libong taon na ang nakakaraan para lang mapatawad ang mga kasalanan ng sangkatauhan.
Ibang klaseng sakrisipisyo ito!
***
Mabuti naman at ibinasura ng House of Representatives ang dalawang impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Saludo nga tayo kay Pangulong Marcos dahil hindi niya pinigilan ang paghain ng impeachment raps.
Ang gusto niya kasi ay dumaan sa legal na proseso ang pagtanggal sa lahat ng tinatawag na impeachable government officials.
Sana respetuhin din ni Vice President Sara Z. Duterte kung ano man ang desisyon ng mga Kongresista sa mga impeachment complaints na inihain laban sa kanya,
Nandiyan naman ang kanyang mga abogado para pangalagaan ang kanyang mga karapatan bilang isang akusado.
Dapat harapin niya ang mga akusasyon laban sa kanya at huwag idaan sa pamamagitan lang ng pag-isyu ng press releases.
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)

