Phivolcs

Magnitude 4.1 lindol yumanig sa Antique

226 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 4.1 ang yumanig sa Antique ngayong Huwebes, Hunyo 30.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-5:34 ng umaga.

Ang epicenter ng lindol ay dalawang kilometro sa silangan ng Sibalom, Antique. May lalim itong pitong kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity II – Sibalom, San Jose de Buenavista, at San Remigio, Antique

Instrumental Intensity:

Intensity II – San Jose de Buenavista at San Remegio, Antique