Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Hataman1

Maguindanao ambush kinondena

Mar Rodriguez Aug 31, 2022
235 Views

MARIING kinondena ng isang Muslim congressman ang pagkamatay ng dalawang miyembro ng Philippine National Police (PNP) at pagkasugat ng tatlo pang pulis matapos silang tambangan habang nagsisilbi ng “warrant of arrest” sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao.

Sinabi ni Basilan Lone Dist. Cong. Mujiv Hataman na kasama sa mga nasawi aay ang Chief of Police ng Ampatuan na si Police Lt. Reynaldo Samson at kasaman nitong si Police Corporal Salapudin Endab matapos silang ambusin ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Nagpahayag ng labis na kalungkutan si Hataman bunsod ng kahindik-hindik na pangyayari na ikinasawi ng mga miyembro ng kapulisan na nagpapatupad lamang ng batas, nagtataguyod ng kaligtasan sa Maguindanao at nagtatanggol sa mamamayan.

Nabatid kay Hataman na naganap ang kahambal-hambal na “ambush” habang papunta sa Barangay Kapinpilan ang mga biktimang pulis. Kung saan nagtataka ang mambabatas kung mayroon bang “breakdown” ng peace and order sa nasabing lugar.

Bukod dito, naging palaisipan din sa kongresista kung bakit nalaman umano ng mga salarin ang ruta o dadaanan ng mga pulis.

Dahil dito, nananawagan si Hataman sa pamunuan ng PNP na magsagawa sila ng isang malalim na pagsisiyasat kaugnay sa naganap na insidente upang mapanagot ang mga taong nasa likod ng ambush kabilang na ang mismong mga gunmen na nasangkot na pamamasalang.

Umaapela din si Hataman sa mga komunidad sa Maguindanao para proteksiyunan nila ang mga kapulisan na nagpapatupad lamang aniya ng batas sapagkat mahalaga ang umano ang papel na ginagampanan ng mga pulis para panatilihin ang katahimikan ng kanilang lugar.