Vic Reyes

Malaking pahirap sa magsasaka, mangingisda ang agri smuggling

Vic Reyes Oct 29, 2025
230 Views

ISANG maganda at mapagpalang araw sa lahat ng ating mga mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan at ibang bansa.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Glenn Raganas, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Josie Gelo, Endo Yumi, Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman na umuwi kamakailan lang dito sa Pinas at mga kasama niya sa Oman.

Ganun din kina Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

God bless to all!

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa:+63 9178624484/email:philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

***

Isa sa mga pangunahing programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ay ang paglaban sa “agricultural smuggling.”

Tama lang ito dahil ang Pilipinas ay isang agricultural country na kung saan pagsasaka at pangingisda ang isa sa pangunahing trabaho ng mga tao.

Kaya naman lalong pinapaigting ng Bureau of Customs (BOC) ang kampanya laban sa pagpupuslit ng mga produktong agrikultura.

Sinabi ni Customs Commissioner Ariel S. Nepomuceno na mahigpit nilang ipinatutupad ang utos ni Pangulong Marcos na tugisin ang mga ismagler.

Noon lang Oktubre 27 ay pinangunahan mismo ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang inspeksyon ng mga puslit na frozen chicken breasts sa Manila International Container Port (MICP).

Nagkakahalaga ng mahigit P12 milyon, ang kontrabando na nakapaloob sa dalawang 40-foot containers ay galing ng China.

Ang dalawang shipments ay deklaradong naglalaman ng fish balls.

Nang buksan ang mga kargamento, naglalaman pala ito ng frozen chicken breasts na may kasamang kaunting fish balls lamang.

Kasama sa nag-inspeksyon sina BOC Deputy Commissioner Philip Vincent Maronilla at MICP District Collector Rizalino Jose Torralba.

Si Senador Pangilinan, na isang abogado, ay chairman ng makapangyarihang Senate Committee on Agriculture.

Sinabi pa ni Pangilinan na kaisa ang Senado sa nationwide campaign laban sa ismagling ng mga produktong agrikultura.

Malaking pahirap sa mga magsasaka at mangingisda ang patuloy na pagpupuslit ng mga nasabing produkto.

Maging ang nga karne ng baka, at baka ay nagkalat na rin sa ibang supermarket, palengke at on-line shopping.

Dapat din silipin kung tama ang importasyon ng isang supermarket dahil halos karamihan daw ng karneng baboy, baka at manok ay imported.

Dapat pagbayarin ng tamang buwis at taripa ang lahat ng importasyon sa bansa.

Dahil sa sobrang baba ng binabayarang buwis, siyempre mas murang ipinagbibili ang mga smuggled goods, kagaya ng karne, isda at gulay.

Ang siste, hindi tuloy mabili ang mga produkto ng ating mga magsasaka, maghahayup at mangingisda.

Ang mahirap pa, kung minsan ay nakalulusot ang mga produktong masama sa kalusugan ng tao.

Hindi kasi dumadaan sa tamang proseso ang mga kontrabando.

Paano na lang kung infected ng iba’t ibang sakit ang mga karne at isda?

Kaya tama lang na paigtingin pa ng gobyerno ang kampanya laban sa ismagling.

Tama ba, Finance Secretary Ralph Recto at Customs Commissioner Ariel S. Nepomuceno?

***

Mawawala na naman ang pagsisikip ng trapiko sa MetroManila dahil sa taunang selebrasyon ng Undas.

Inaasahang magkakaroon lang ng traffic jams malapit sa mga pribado at pampublikong sementaryo.

Maraming nakatira sa MM ang uuwi sa kani-kanilang probinsya para dalawin ang kanilang mga namayapang kamag-anak.

Sa totoo lang, kadalasan sa mga sementeryo nagkikita-kita ang mga magkakamag-anak.

Ang pagbisita kasi sa mga sementeryo ay isang kaugalian ng mga Filipino.