Hataman

Malamawi Island isinusulong na maging ecotourism zone

Mar Rodriguez Nov 24, 2022
225 Views

INAASAHANG ang Malamawi island sa lalawigan ng Basilan ang magpapataob sa sikat at dinadayong “Boracay Island” sa probinsiya ng Caticlan, Aklan. Matapos na isulong ngayon ng isang Mindanao congressman ang panukalang batas na naglalayong maging isang “eco-tourism” zone ang nasabing Isla bilang susunod na “tourist destination” tulad ng Boracay Island.

Isinulong ni House Deputy Minority Leader at Basilan Lone Dist. Cong. Mujiv Hataman ang House Bill No. 6293 sa Kamara de Representantes upang mai-deklara ang Malamawi Island sa kanilang lalawigan bilang “eco-tourism” na inaasahang mas maraming lokal at turistang dayuhan ang dadagsa dito kumpara sa Boracas, Island.

Sinabi ni Hataman na ang Department of Tourism (DOT) ang inaatasang mangangasiwa at mayroong mandato para sa development at pagsasa-ayos ng Malamawi Island para sa darating na hinarap. Kung saan, ngayon pa lamang ay unti-unti na itong dinadagsa at dinadayo ng mga turista.

“Sa katunayan, madami na ang pumupunta sa Malamwi Island para magbakasyon dahil tunay na napaka-ganda ng tanawin duon. Ang nakikinabang sa maraming bisita ay ang comunidad sa Isla sa ilalim ng pagpapatnubay ng local na pamahalaan,” sabi ni Hataman.

Ayon kay Hataman, panahon na para magbunga ang pagtutulungan at pinaghirapang kapayapaan para sa kapakanan at ikauunlad ng mamamayan ng Basilan matapos ang mahabang panahon ng digmaan at kaguluhan sa rehiyon ng Mindanao.

Iginagalak naman ni Romblon Lone Dist. Cong. Elenadro Jesus F. Madrona, Chairman ng House Committee on Tourism, ang pagsusulon ni Hataman ng panukalang batas para sa pagde-deklara sa Malamawi Island bilang “eco-tourism” na itinuturing nitong isang malaking hakbang patungo sa tuluyang pag-unland ng rehiyon ng Mindanao.

Sinabi ni Madrona na sa pamamagitan ng panukalang batas ni Hataman. Inaasahang unti-unti ng yayabong at uunlad ang rehiyon ng Mindanao sapagkat unti-unti narin itong makaka-ahin mula sa dating masamang imahe nito bilang pugad ng terorismo at digmaan.

Binigyang diin ni Madrona na ang House Bill No. 6293 ni Hataman ang magsisilbing susi na magbubukas sa magagandang “tourist destinations” sa bansa na hindi masyadong napapansin at kakulangan ng sapat na pondo o budget mula sa pamahalaan.

Muling iginiit ng Romblon congressman na ang sektor ng tourism ang isa sa haligi ng ekonomiya sa ilalim ng liderato ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. dahil sa malaking pera na maibabahagi nito sa kaban ng pamahalaan dahil narin sa mga lokal at dayuhang turista.

“Dito natin makikita ang kahalagahan ng turismo sa ating bansa. Dahil ang tourism sector ang isa sa mga economic drivers ng ating Pangulong Bongbong Marcos. Natutuwa tayo dahil nabibigyan na rin ng importansiya ang ating mga tourist destinations,” ayon pa kay Madrona.