Maleta

Maleta na may lamang P14.9M kush nasabat ng mga otoridad sa NAIA-3

Edd Reyes Nov 30, 2025
252 Views

NASABAT ng mga awtoridad sa NAIA Terminal 3 ang berdeng maleta na naglalaman ng marijuana kush matapos abandonahin ng pasaherong galing sa Bangkok, Thailand noon pang araw ng Biyernes ng gabi.

Pinaniniwalaang pagmamay-ari ng isang dyuhang babaeng pasahero na nakatakdang magtungo ng Macau ang inabandonang maleta nang matunugang natiktikan na ito ng awtoridad.

Unang nasilip ng Bureau of Customs (BOC) X-ray operator ang kahina-hinalang laman ng maleta kaya’t agad na inireport ito sa NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) kaya’t sinuri kaagad ng PDEA K9 Team at Narcotics Detection Dog,

Dito na natuklasan na naglalaman ito ng 18 vacuum-sealed pouches na may lamang 9,940 gramo ng dried leaves Marijuana Kush, na nagkakalahalaga ng ₱14,910,000.00.

Kalaunan ay nakumpirmang nakaalis na ang dayuhang pasahero noon ding Biyernes ng alas-7:16 ng gabi patungong Macau upang makaiwas sa pagdakip..

“This operation highlights AVSEGROUP’s commitment to keeping our airports safe. Through vigilance, intelligence coordination, and rapid response, the interception of illegal drugs and continue to protect every traveler from criminal activities,” pahayag ni P/BGen. Dionisio Bartolome, Director ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP).