Calendar
Kinilala ni Manila Mayor Isko Moreno ang rape suspek na naaresto ng MPD sa pamumuno ni PLt. Ferdinand Omli, sa ilalim ni PLt. Col. Francis Balais, hepe ng Delpan Police Station 12, kasama ang mga kapulisan ng S.Ma.R.T ng Manila City Hall sa pangunguna ni PMaj. Edward Samonte, matapos magsagawa ng manhunt operation sa Oriental Mindoro.
KELOT SWAK SA QUALIFIED RAPE OF MINOR (9 COUNTS) AT RAPE BY SEXUAL ASSAULT
ARESTADO sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang 20-anyos na binata dahil sa kasong 9 counts ng panghahalay sa mga menor de-edad at rape by sexual assault, Linggo ng umaga sa Barangay Cawayan, Bongabong, Oriental Mindoro,
Nakilala ang suspek na si alyas “Nexus” na tubong Daet, Camarines Norte. Ang binata ay nagtatrabaho bilang helper at naninirahan sa Ochando, New Washington, Aklan.
Ayon sa report ng pulisya, bandang alas-9:30 ng umaga nang maispatan ang suspek sa nasabing lugar, matapos magsagawa ng manhunt operation ang personnel ng Warrant and Subpoena Section ng MPD Police Station 12 sa pangunguna ni PLt. Ferdinand Omli, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ng station commander na si PLt. Col. Francis T. Balais.
Kasama rin sa operation ang mga operatiba ng Special Mayor’s Reaction Team (S.Ma.R.T.) sa pangunguna ng chief ng S.Ma.R.T.-DID ng MPD na si PMaj. Edward G. Samonte, at intelligence personnel ng Bongabong Municipal Police Station sa pangunguna ng chief of police nitong si PMaj. Brandy G. Roldan, sa koordinasyon ng MDIT-RIUNCR sa pangunguna ni PCpt. Pierre Jamil B. Datong.
Ang operation ay nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado.
Bitbit nila ang arrest warrant ng suspek para sa kasong 4 counts ng qualified rape of a minor na walang inirekomendang bail.
Ito’y inisyu ni Presiding Judge Delight Aissa A. Salvador ng Regional Trial Court, Branch 29, Manila, na may petsang Abril 28, 2025.
May arrest warrant din ang akusado para sa kasong 5 counts ng qualified rape of a minor na wala ring bail, at rape by sexual assault na may inirekomendang piyansang P200,000.
Ito’y inisyu ni Presiding Judge Roy G. Gironella ng Regional Trial Court, Branch 43, Manila, na may petsang Marso 11, 2025.
Ang suspek ay kasalukuyang himas rehas sa himpilan ng S.Ma.R.T. ng MPD matapos iharap kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng mga operatiba.
