Ferolino

Mall voting sa 2025 posible — Comelec official

210 Views

Isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) ang nagsabi na posible umano na magkaroon na ng botohan sa mga mall sa darating na May 2025 elections.

Sinabi ito ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino matapos na pumirma ng isang memorandum ang Comelec at ang SM Malls para sa pagsasagawa ng satellite voter registration.

Umaasa si Ferolino na magkakaroon din ng katulad na kasunduan ang Comelec at ang Robinsons Malls.

Sinabi ni Ferolino na hindi imposible na mapalawak pa ang partnership ng Comelec at mga mall at maidagdag dito ang pagboto sa hinaharap.