Angeles

Mga bagong appointment inanunsyo ng Palasyo

128 Views

INANUNSYO ng Malacañang ang mga dagdag sa miyembro ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa inilabas na pahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, itinalaga umanong director general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) si Danilo Cruz.

Si Cruz ay naging undersecretary ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong panahon ng Arroyo administration.

Si Olivia Garcia “Bong” Coo ay napili naman umanong maging commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC).

Si Coo ay nakilala sa larangan ng bowling at nag-uwi ng mga medalya sa bansa mula sa iba’t ibang international competition.