Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Metro
Manila mababayaran na benepisyo ng 92 empleyadong retirado
Edd Reyes
Jan 12, 2026
399
Views
MABABAYARAN na ng Maynila ang nakabimbing benepisyo ng 92 retirado nilang kawani matapos iutos ni Mayor Isko Moreno Domagoso sa City Treasurer’s Office ang paglalabas ng P42.6 milyong pambayad sa mga retiradong kawani.
Sinabi ni Mayor Isko Moreno na sakop ng benepisyo ang mga retirado at nakapaglingkod ng dalawa hanggang apat na dekada sa lokal na pamahalaan.
Ilan sa mga beneficiaries aabot sa mahigit P2 milyon ang matatanggap batay sa bilang ng taon sa serbisyo.
“I will give what is due to you,” pahayag ng alkalde.
Pinakamatagal naglingkod sa Maynila si Roman Bandin, na naglingkod sa City General Service Office ng 44 na taon.
Umapela siya sa mga kawani na panatilihin ang propesyonalismo sa paglilingkod sa mga taxpayers.
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
2 motor nagbanggaan, 3 sugatan
Nov 3, 2026
Pagnenegosyo sa QC pinadali, pinakonti dokumento
Nov 3, 2026
Pulis tigok matapos matisod, baril pumutok
Nov 3, 2026
