Marantan1

Marantan nagpahayag ng buong suporta sa PSBRC Batch 2025-01

58 Views

Marantan2MarantanKAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna — Dinaluhan ni Police Brigadier General Hansel M. Marantan, Regional Director ng PRO CALABARZON, ang Recognition Rites ng Public Safety Basic Recruit Course (PSBRC) Batch 2025-01 “Masandig-Lahi” nitong Martes sa PRO 4A Grandstand sa lungsod na ito.

Nagsilbing Guest of Honor at Speaker sa nasabing aktibidad si Commissioner Rafael Vicente R. Calinisan, ang Vice Chairperson at Executive Officer ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Ang seremonya ay pagkilala sa ipinamalas na dedikasyon, disiplina, at tiyaga ng mga bagong recruit sa pagkumpleto ng kanilang paunang pagsasanay. Layunin nitong ihanda sila upang maging mahusay at service-oriented na mga alagad ng batas.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni PBGen. Marantan ang buong suporta sa bagong klase.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng integridad, propesyonalismo, at tapat na paglilingkod sa publiko.

Aniya, ito ang pundasyon upang maisakatuparan ang misyon ng PNP na mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng komunidad, alinsunod sa bisyon ng “Bagong Pilipinas.”