BBM2

Marcos admin tuloy-tuloy sa paglikha ng mga road networks

189 Views

IPAGPAPATULOY umano ng Marcos administration ang pagtatayo ng mga interconnected road network na makatutulong sa pag-unald ng bansa.

Kasabay ng pahayag na ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay hinamon nito ang Department of Transportation (DOTr) na tiyakin na matatapos sa oras ang mga proyekto.

“So we will not stop here, and we will continue to develop a highly interconnected road network that will facilitate our country’s rapid, inclusive, and sustained economic growth,” ani Pangulong Marcos na nanguna sa inagurasyon ng North Luzon Expressway (NLEX) Connector Caloocan- España section.

Ang pinakahuling NLEX connector ay magpapabilis sa biyahe mula Caloocan patungong Manila.

“Try very hard, as we all do, to stay within the target time frame – although your success rate in this regard is exemplary – avoid unnecessary delays, and finish the project as scheduled, so that the Filipino people will be able to reap the benefits as soon as possible,” sabi pa ng Pangulo.

“Ultimately, the positive effects of this project will speed up mobility and transactions, and will spur economic productivity of the country,” dagdag pa nito.

Ang bagong bukas na Caloocan-España Section of the NLEX Connector kasama ang Espana-Magsaysay Section ng connector ay magdurugtong ng North Luzon Expressway (NLEX) sa South Luzon Expressway (SLEX).

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P23.3 bilyon kasama na ang gastos sa pagbabayad ng right-of-way.

Kasama ito sa Luzon Spine Expressway Network na bahagi ng Philippine High Standard Highway Network.