Marina1 Larawan: Marina Summers/FB

Marina Summers ipinahayag na simula na kanyang transition

179 Views
Marina2
Larawan: Marina Summers/FB

IBINUNYAG ni Marina sa isang emosyonal na pahayag na nagsimula na siya sa kanyang gender transition, kabilang ang social transitioning noong unang bahagi ng 2025 at kalaunan ay Hormone Replacement Therapy (HRT).

Sa kanyang liham, ibinahagi niyang matagal na niyang pinagninilayan ang hakbang at matagal na rin niyang naramdaman ang kanyang pagkababae. Aniya, matapos ang maraming taon ng pag-aalinlangan at pag-antala, pinayagan na niya ang sarili na tuluyang yakapin ang kanyang tunay na identidad.

Sinabi rin niya na una niyang ibinahagi ang proseso sa kanyang malalapit na kaibigan at pamilya upang magkaroon ng espasyo at katahimikan habang inuunawa ang kanyang sarili. Ngayon, handa na raw siyang buksan ang bagong yugto ng kanyang buhay sa mas maraming tao.

“From here on, I’d love for you all to get to know me more as the woman I’m becoming… Hello again my friends, it’s me, Marina,” bahagi ng kanyang mensahe.

Nagpasalamat din siya sa mga taong nagpakita ng pagmamahal at respeto, at umaasa sa patuloy na pag-unawa habang nagpapatuloy ang kanyang journey.