Yen2

Showbiz career ni Yen Santos muling aarangkada matapos ipakilala bilang ambassador ng Filbet

151 Views

YenYen1MULING aarangkada ang showbiz career ng award-winning actress na si Yen Santos matapos siyang opisyal na ipakilala bilang bagong ambassador ng online betting platform na Filbet — hudyat ng kanyang high-profile return sa limelight.

Matapos ang matagal na pananahimik, muling aarangkada ang karera ni Yen sa pamamagitan ng nasabing digital gaming at wagering brand — isang hakbang na itinuturing ng kanyang kampo bilang “strong comeback” sa mainstream spotlight.

Hindi lang simpleng endorsement ang partnership na ito. Ayon sa kampo ng aktres, simbolo ito ng bagong yugto sa kanyang public presence sa pamamagitan ng isang digital-first platform na nakatuon sa entertainment, interactive betting experiences at responsible gaming.

Para naman sa Filbet, malaking tulong ang pagpasok ni Yen sa pagpapalakas ng kanilang brand bilang hindi lang betting platform kundi isang digital entertainment hub na konektado sa lifestyle at online culture.

Lubos din ang kasiyahan ng aktres sa bagong proyekto.

“I’m absolutely thrilled to be the official Filbet ambassador! Sabay-sabay nating ipagdiwang ang season of love na puno ng romance, excitement at mas malalaking panalo.

Gawin nating mas espesyal ang inyong Pebrero kasama ako!” ani Yen sa kanyang Instagram post.

Ilulunsad ang partnership sa pamamagitan ng serye ng digital campaigns, social media activations at iba’t ibang eksklusibong inisyatibo sa platform na inaasahang aabangan ng fans at online betting community.

Sa pagbabalik ni Yen Santos, mukhang mas paiinitin pa niya ang digital entertainment scene ngayong taon.#yensantos #filbetphofficial