Boga Source: File photo

May droga, boga, laglag sa mga pulis

Gil Aman Feb 9, 2025
24 Views

ARESTADO ang 30-anyos na binata dahil sa pag-iingat ng baril, bala at shabu sa Sitio Balite, Brgy. Banilan Pakil, Laguna noong Sabado.

Naaresto ang suspek na si Alyas Allan sa bisa ng arrest warrant ni Presiding Judge Allan Hilbero ng 4th Judicial Region Regional Trial Court Branch 175 sa Sta. Cruz, Laguna para sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Kabilang sa nakumpiska ng warrant operatives ang isang caliber .38 revolver, apat na bala ng .45 caliber, limang basyo ng cal .45., 0.1 gramo ng shabu na may standard price na P680.