Calendar
Kinilala ni PLt. Col. Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District Baseco Police Station 13, ang dalawang lalaki na may mga kasong estafa.
Metro
May kasong estafa nahuli sa Paco
Jon-jon Reyes
Jul 24, 2026
205
Views
ARESTADO sa mga pulis ang dalawang lalaki na may kasong estafa noong Huwebes sa Road 7, Fabie Estate, Barangay 784, Paco, Manila.
Unang naaresto si alyas “Ramon,” 29-anyos, ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete.
Bandang alas-4:03 ng hapon nang mahuli ang suspek sa pamumuno ni PLt. Apolonio Ellao nang ihain ang bench warrant of arrest sa suspek na inilabas ni Judge Rainald Cajurao Paggao ng RTC National Capital Judicial Region, Branch 142, Makati City.
Arestado din si alyas “Ivan,” 27-anyos, sa Road 7, Fabie Estate, Barangay 784, Manila, para sa 24 counts ng estafa.
Bandang alas-5:05 ng hapon natunton at naaresto ang suspek.
Ayon sa impormasyon, ang mga akusado ay kabilang sa most wanted persons dahil sa parehong kaso ng estafa.
MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang
Nov 4, 2026
6-ANYOS NAGULUNGAN NG SUV SA PORT AREA, DEDO
Nov 4, 2026
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026

