Nagbabala si Lakas-CMD vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte ukol sa pekeng UniTeam identification cards at sa kasinungalingan na namamahagi si UniTeam standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng P5,000 kada tao. Nakasuporta at nakikinig si Lakas-CMD President at Majority Leader Martin Romualdez. Kuha ni VER NOVENO

Mayor Inday nagbabala laban sa scammers na naniningil sa mga suporter

577 Views

NAGBABALA si Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte sa publiko kaugnay ng mga indibidwal na naniningil umano kapalit ng pagiging miyembro ng BBM-Sara UniTeam.

Ayon kay Duterte nakaabot sa kanilang kaalaman ang umano’y paniningil ng P20 sa mga gustong maging miyembro ng UniTeam.

Hindi rin umano totoo na mamimigay ang kanyang ka-tandem na si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ng tig-P5,000 sa bawat indibidwal kapag pumunta ito sa Mindanao.

“We call on the public not to believe these claims of certain groups about an ID that is worth P20 and there will be grant of P5,000 from the presidential candidate of the UniTeam, Bongbong Marcos,” sabi ni Duterte.

“These are not true, this is a scam. So, if they know of any information about this, they should immediately report it to us, the UniTeam, so that we can appropriately act on it,” dagdag pa nito.

Nagpasalamat naman si Duterte sa kanyang mga suporter na naging mainit ang pagtanggap sa kanyang pagbisita sa 34 na probinsya sa nakalipas na 28 araw.

“I will never forget the warmth of the Filipino people we met along the way, and I will always remember the courage, the strength and the resiliency they’ve shown as we passed by rain or shine,” dagdag pa ang alkalde ng Davao City.

Nagpasalamat din ni Duterte kay House Majority Leader at Lakas-CMD President Martin G. Romualdez sa pagsuporta nito sa kanyang pagbisita sa iba’t ibang lugar upang maihatid ang mensahe ng pag-asa, pagkakaisa, pagmamahal at pagiging makabayan.