Isko

Mayor, MCDRRMO chief tutok kay Opong

322 Views

NAKATUTOK si Manila Mayor Isko Moreno kasama si Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO) Director Arnel Angeles sa command center upang makita ang galaw ng bagyong Opong.

“Patuloy po ang ating monitoring sa pangunguna ng MCDRRMO at kanilang resident meteorologist na si Christian Evangelista.

Sila din po ay nakahanda na magbigay ng mga libreng sakay sa ating mga mae-stranded na kababayan, mag-rescue kung kinakailangan at maglapat ng paunang lunas sa pamamagitan ng ating mga Advanced Cardiac Life Support (ACLS) Ambulances natin.

Nakahanda na rin po ang ating evacuation centers sa pangunguna ni MDSW Director Jay Dela Fuente kung sakaling bumaha sa anim na distrito ng lungsod at sa Baseco pati ang ating seven district hospitals at health centers sa ilalim ng Manila Health Department.

Mag-iingat po tayong lahat sa malakas na Bagyong Opong. Tayo po ay nakahanda sa anumang maging epekto nito sa ating lungsod,” sabi ni Mayor Isko. Nina JON JON REYES & EDD REYES