Sara Duterte

Mayor Sara nanguna sa Publicus Asia survey

318 Views

SA ikalimang sunod na pagkakataon, muling nanguna si Davao City Mayor Sara Duterte sa survey na isinagawa ng Publicus Asia Inc.

Nakakuha si Duterte ng 59 porsyento voter preference sa survey na isinagawa mula Abril 19 hanggang 21, mas mataas ng 1 porsyento sa nakuha nito sa survey noong Marso 30 hanggang Abril 6.

Sa survey noong Disyembre ay nakakuha si Duterte ng 55 porsyento, noong Pebrero ay 54 porsyento, at noong Marso 9 hanggang 14 ay 57 porsyento.

Ang nakuha ni Duterte ay halos apat na ulit ng nakuhang 15 porsyento ng pumapangalawang si Sen. Francis Pangilinan.

Pumangatlo naman si Senate President Tito Sotto III na nakakuha ng 9 porsyento at sinundan ni Doc Willie Ong na may 8 porsyento at House Deputy Speaker Lito Atienza na may 1 porsyento.

Mayroon namang 6 porsyento na undecided.

Ang survey ay mayroong 1,500 respondents na pawang mga rehistradong botante. Mayroon itong nationwide margin of error na +/- 3%.