Querubin

Medal of Valor awardee Col. Querubin kinumpirma ugnayan nina Robredo sa NPA

Nelo Javier Apr 5, 2022
243 Views

INANUNSYO ni Medal of Valor awardee retired Colonel Ariel Querubin, na hindi niya susuportahan ang sino mang kandidato na may kaugnayan sa teroristang Communist Party of the Philippines -New Peoples Army (CPP- NPA).

Sa isang open letter na kumalat sa social media, ibinunyag ni Querubin na na-brief siya ng mga opisyal ng PNP at mga representative ng National Task Force on Ending Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) at mga dating rebeldeng NPA ukol sa ugnayan ni Leni Robredo sa teroristang grupo.

“As a soldier and a Medal of Valor awardee who has fought the CPP/NPA and a witness to soldiers who died in combat fighting the enemies of the state, I will not support a candidate who has alleged links with our enemies,” ani Querubin.

Ani Querubin ang kanyang open letter ay bilang tugon pahayag ng national at regional leaders ng Brotherhood of Christian Businessmen and Professionals (BCBP) na kanyang kinaaaniban at nagpahayag kamakailan ng kanilang suporta sa kandidatura ni Robredo.

Agad din siyang nagbitiw bilang miyembro ng naturang grupo.

“Effective immediately and with deep disappointment, my wife and I are resigning as PSD Head and as members of The BCBP Quezon City chapter,” giit ni Querubin.

“Tithes are supposed to be used for evangelization and for the less fortunate and not to promote a particular candidate in elections. Please return the checks earlier issued for the tithes, from May to December 1, 2022” dagdag pa niya.

Sa isang text message, kinumpirma ni Querubin ang kanyang kumakalat na pahayag sa social media.

Si Querubin ay isa sa mga dating opisyal ng militar at pulisya kabilang ang mga dating hepe ng PNP, AFP at PCG at mga Medal of Valor awardees na lumagda sa isang manifesto na nagpahayag ng suporta kay presidential frontrunner, Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“We, all former senior military and police officers and servant-warriors f the sovereign Filipino people, express our full support for the candidacy of Marcos as president of the Republic of the Philippines” ayon sa manifesto na nilagdaan ng mahigit 100 retiradong pulis at militar.