sara Nagbibigay ng mensahe si Lakas-CMD vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte sa libongvsupporters na dumalo sa birthday rally ni dating President Gloria Macapagal-Arroyo sa Lubao, Pampanga. Kuha ni VER NOVENO 

GMA: BBM kailangan si Mayor Inday para maging magaling na presidente

244 Views

Kailangan umano ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si vice presidential aspirant Sara Duterte upang siya ay maging isang magaling na pangulo ng bansa.

Kaya hinimok ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang mga kapwa nito kapampangan upang iboto ang BBM-Sara tandem sa paparating na halalan.

Ayon kay Arroyo naging epektibo ang kanyang pamamahala sa bansa dahil mayroon siyang Noli de Castro na kanyang bise presidente.

“Kaya ngayon naman, tiyakin natin na UniTeam ang tutulungan natin,” sabi ni Arroyo sa kanyang mga kababayan sa isang meet and greet sa Mexico, Pampanga.

Personal na dumalaw si Duterte sa Pampanga upang batiin si Arroyo sa pagdiriwang ng ika-75 kaarawan nito.

“Kailangan ni BBM, kahit matalino siya, para maging magaling na presidente, kailangan niya si Mayor Inday Sara Duterte bilang bise presidente. ‘Yun ang isang dahilan bakit ineendorso natin si Mayor Sara,” sabi ni Arroyo.

Nagpasalamat din si Arroyo sa mga proyekto ng Duterte administration sa kanyang lalawigan.

“Pangalawa, sa laki ng tulong naman ni Presidente Rody Duterte dito sa atin sa Pampanga,” dagdag pa ni Arroyo na dati ring Speaker. “Kaya suklian natin siya…Dapat landslide si Inday Sara.