Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Batangas

Meeting dinaluhan ng mga parak-Batangas

83 Views

Batangas1Batangas2

SAN JUAN, Batangas–Nakiisa ang Batangas police, sa pamumuno ni P/Col. Meliton Salvadora Jr., sa peace and order coordination meeting kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan sa Brgy. Buhay ng bayang ito noong Biyernes.

Dumalo din sa pulong si P/Col. Mario Mayames Jr., deputy regional director for operations, mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga punong barangay, at mga miyembro ng San Juan Peace and Development Foundation.

Tinalakay sa pulong ang pagpapatibay ng ugnayan at koordinasyon ng iba’t- ibang sektor upang mapalakas ang mga programa para sa kapayapaan at kaayusan, kaligtasan ng publiko at kampanya kontra ilegal na droga.

Pinagtibay ng Batangas PPO ang kanilang patuloy na pangako na protektahan ang kapakanan ng mamamayan sa pamamagitan ng mas pinaigting na pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan.