Wanted

Mekaniko arestado sa iligal na pagpapaputok ng baril

Edd Reyes Aug 26, 2026
5 Views

ARESTADO ang 31-anyos na mekaniko na wanted sa ilegal na pagpapaputok ng baril matapos masukol Miyerkules ng umaga sa Paranaque City.

Sa bisa ng warrant of arrest, inaresto ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco si alyas “Wilfredo” sa West Service Road, Brgy, Merville, dakong alas-9:10 ng umaga matapos siyang inguso ng impormante ng kapulisan.

Ayon kay Paranaque police chief P/Col. Nicolas Pinon, naglabas ng warrant of arrest ang Paranaque Regional Trial Court (RTC) Branch 260 noong Hulyo 27. 2026 laban sa akusado para sa kasong Illegal Discharge of Firearms na may inilaang piyansang P240,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Nakapiit muna sa custodial facility ng Paranaque Police Station si alyas Wilfredo habang hinihintay pa ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Paranaque City Jail.