Calendar
Mga balikbayan boxes mapapadala sa mga tahanan bago -Pasko
MAGANDANG araw sa lahat ng ating mga suki, lalo na sa Japan at Oman.
Nawa’y nasa maayos at ligtas kayong kalagayan.
Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina Ma. Theresa Yasuki, La Dy Pinky, Mama Aki, Tata Yap Yamazaki, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at Hiroshi Katsumata, ang isa sa nga iginagalang na kaibigan ng mga Pinoy sa Japan.
Ganun din kay Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.
Mabuhay kayong lahat!
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)
***
Marami ang natuwa sa pagpapakita ng “full support” ni Secretary Frederick D. Go ng Department of Finance (DOF) sa lahat ng mga programa ng Bureau of Customs (BOC), partikular na sa “continuing reform and modernization efforts” ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno.
Ito ang napag-alaman nang gawin ang unang command conference ni Secretary Go sa mga matataas na opisyal ng BOC, isang attached agency ng DOF.
Ginawa ang command conference noong Nobyembre 28 sa opisina ng ahensya sa Port Area, Manila.
Ang isa pang attached agency ng DOF ay ang Bureau of Internal Revenue (BIR). Ang BIR at BOC ang top revenue-generating agencies ng gobyerno.
Pero ang nakatawag pansin sa atin, kasama ang iba pang observers sa aduana, ay ang sinabi ni Secretary Go na suportado niya ang mga infrastructure projects ni Commissioner Nepomuceno.
Lalo na sa pag-secure ng funding para sa bagong headquarters ng BOC.
Ayon kay Go, ang BOC, bilang revenue-generating agency, must have adequate facilities, systems and resources to fulfill its mandate effectively.”
“Modern infrastructure is crucial to enabling efficient, secure and technology-driven customs service,” ayon pa kay Secretary Go.
Panahon na para magkaroon naman ng magandang tirahan o opisina ang BOC kagaya ng ibang government agencies na araw-araw ay pinupuntahan ng libu-libong kababayan natin.
Malaking pera ang ipinapasok ng BOC sa kaban ng bayan.
Hindi ba dapat namang magkaroon na ng disenteng tahanan ang mga opisyal at kawani ng BOC?
Iyon bang conducive naman sa pagtatrabaho ang kapaligiran.
Hindi pagsasayang ng pera ni Juan dela Cruz kung magpapatayo naman tayo ng kaaya-ayang gusali para sa BoC.
Hindi lang mga opisyal at empleyado ng BOC ang matutuwa dito. Pati na ang mga kababayan natin na nagta-transact ng business sa aduana ay matutuwa din.
Tama ba kami, Finance Secretary Frederick D. Go at Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno?
***
Naniniwala tayo na lahat ng “balikbayan boxes” ay maii-deliver sa mga naghihintay na pamilya ng ating mga overseas Filipino workers (OFWs) bago mag-Pasko.
Taon-taon kasi ay nagpapadala ng pamasko sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan ang mga OFWs.
Ang mga regalo, na kinabibilangan ng relo, damit, pabango, tsokolate, kape at iba pang grocery items, ay nakapaloob sa mga tinatawag na “balikbayan boxes.” Ang mga ito ay tax-free.
Kaya dapat makarating sa mga naghihintay na kamag-anak at kaibigan ang mga Christmas gifts bago ang Disyembre 25.
Alam ‘yan nina Finance Secretary Frederick D. Go at Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno.
Kaya, relaks lang kayong mga naghihintay ng pagdating ng mga balikbayan boxes.
***
Marami tayong mga kababayan na talagang ang kanilang Pasko at Bagong Taon ay malungkot.
Ito ang mga kawawang kababayan natin na naging biktima ng sunod-sunod na kalamidad.
Ang iba diyan ay malamang na nasa evacuation centers pa dahil nawalan sila ng bahay at wala silang naisalba sa kani-kanilang ari-arian.
Pero alam natin na hindi sila pinababayaan ng mga otoridad sa tulong ng pribadong sector.
Matatagalan bago bumalik ang kanilang normal na pamumuhay dahil limitado naman ang resources ng gobyerno.
Sana lang ay wala ng dumating na malalakas na bagyo sa nalalabing araw ng 2025.

