Calendar
Mga batang estudyante na pinakain ng ipis ng teacher nilang lalaki tutulungan ni Valeriano
𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔𝗦𝗔𝗡 na ng Chairman ng House Committee on Public Order and Safety na si Manila 2nd District Representative Rolando “CRV” M. Valeriano ang kaniyang “field office” sa Tondo, Manila na tulungan ang pamilya ng mga batang estudyante na dumanas ng pang-aabuso mula sa teacher nilang lalake.
Sinabi ni Valeriano na nakahanda nitong tulungan ang mga batang mag-aaral na dumanas ng hindi makataong pagtrato mula sa kanilang gurong lalake matapos silang pakainin umano ng ipis.
Dahil dito, nakahandang magbigayni Valeriano ng libreng legal assistance para sa pamilya ng dalawang biktimang estudyante kasama na dito ang pagkakaloob nito ng financial support.
Sinabi pa ni Valeriano na makikipag-tulungan din ang kaniyang tanggapan sa Manila Police District (MPD) para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa abusadong teacher.
“I will not let the alleged child abuser and molester escape criminal and civil liability,” sabi ni Valeriano.

