Calendar
Mga binaha tinulungan ng NLEx
NAMAHAGI ng tulong ang North Luzon Expressway (NLEx) Corp. sa 11 lokal na pamahalaan at 64 na barangay na sinalanta ng baha dulot ng habagat.
Aabot sa 500 sako ng bigas at relief goods ang ipinadala sa Dinalupihan at Hermosa sa Bataan; San Simon, Sto. Tomas at Apalit sa Pampanga; Guiguinto, Balagtas, Bocaue, Pulilan, Plaridel, Malolos, Meycauayan, at Marilao sa Bulacan; at sa mga lungsod ng San Fernando at Angeles sa Pampanga, maging sa Maynila at Quezon City.
Ayon kay NLEx President at GM Luis Reñon, hindi lamang ang pagtiyak na ligtas at maayos ang kanilang expressways kundi bahagi rin ng kanilang responsibilidad na pagmalasakitan ang bawat komunidad na kanilang pinaglilingkuran.
Labis ang pasalamat ni Barangay Duhat Chairman Faustino Dela Cruz ng Bocaue, Bulacan sa NLEx sa tulong na tinanggap nila.

