Teves

Solon sa DENR: Problema sa basura solusyonan

Mar Rodriguez Aug 24, 2026
137 Views

NANAWAGAN si TGP Partylist Rep. Jose “Bong” J. Teves Jr. sa kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Atty. Juan Miguel Cuna na chairman din ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) na matugunan ang problema ng “solid waste management” kaugnay sa pagtatambak ng tone-toneladang basura sa mga ilog, kanal at estero sa Metro Manila at karatig lugar.

Nananawagan si Teves kay Secretary Cuna na hanapan ng solusyon ang problema sa basura.

Nanawagan din siya kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla upang matutukan ang mga local government units (LGUs) kaugnay sa pagpapatupad ng solid waste management plan.

“Mr. Speaker, I call on our national government, especially the recently appointed Secretary of DENR, Atty. Juan Miguel Cuna who also acts as chairman of NSWMC to immediately address this issue on solid waste management.

Sa ating DILG Secretary Jonvic Remulla na siyang may hawak sa mga local Government units, sana ay matutukan ang bawat LGU na maipatupad ng tama kanilang mga solid waste management plan,” sabi ni Teves.

Inilahad din ni Teves sa kaniyang talumpati ang paulit-ulit na problema ng pagbaha sa iba’t-ibang lugar sa kalakhang Maynila ay isa ng “public concern” na nangangailangan ng agarang solusyon.

Iginigiit ng mambabatas na ang nakakabahala aniya sa problemang ito.

Binanggit din ni Teves ang tinatawag na “improper solid waste management” bilang isa sa mga dahilan ng pagbaha sa Metro Manila at dagdag pa dito ang kawalan ng disiplina ng mga residente na walang pakundangan sa pagtatapon sa mga ilog at kanal ng kanilang basura.