Sara

Mga guro hindi pababayaan—VP Sara

223 Views

TINIYAK ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte na hindi nito pababayaan ang mga guro sa pampublikong paaralan.

“Our teachers, they are the lifeblood of the Department of Education. Without our teachers, our mission to carve a better future for our children will fail,” sabi ni VP Duterte sa kanyang talumpati sa Basic Education Report 2023 na isinagawa sa Sofitel Hotel Philippine Plaza Manila.

“Lagi ko pong sinasabi sa ating mga guro, importante kayo sa pag-unlad ng ating bayan. Kayo ang gumagabay at tumutulong sa ating mga kabataan, sa pagpapanday ng kanilang mga pangarap sa buhay, at pagsa-katuparan ng mga pangarap na ito,” ani VP Duterte.

Sinabi ni VP Duterte na sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga guro ay tataas ang kalidad ng edukasyon.

“We will provide support in terms of innovative, responsive, and inclusive teaching approaches following the Philippine Professional Standards for Teachers (PPST),” sabi pa ng bise presidente.

“We will provide training and other learning and development interventions for school leaders, namely the school heads, supervisors, superintendents, and assistant superintendents, so they can better support our teachers to teach better,” dagdag pa nito.

Muli ring iginiit ni VP Duterte ang kanyang posisyon na alisin ang mga non-teaching task ng mga guro sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga administrative officer sa mga paaralan.

Ipagpapatuloy din umano ni VP Duterte ang pagsulong ng mga dagdag na benepisyo para sa mga guro.

“To our teachers, we recognize your zeal, integrity, commitment, and passion. And yes, we also recognize your sacrifices. We thank you for your sacrifices,” sabi pa nito. “Maraming salamat po sa inyong dedikasyon. Hindi po namin kayo pababayaan.”