Mga kongresista suportado pagsisiyasat ng DFA sa iligal na wiretapping ng Chinese diplomat

Mar Rodriguez May 14, 2024
101 Views

DALAWANG mambabatas ang nagpahayag ng suporta sa hakbang ng Department of Foreign Affairs (DFA) na imbestigahan ang alegasyon ng iligal na wiretapping sa umano’y pag-uusap ng opisyal ng Chinese embassy at Philippine Navy kaugnay ng bagong kasunduan sa resupply mission sa Ayungin Shoal.

Kapwa sang-ayon sina 1-RIDER Partylist Rep. Rodge L. Gutierrez at Bukidnon Rep. Jonathan Keith T. Flores na siyasatin ng DFA ang sinasabing wiretapped na paguusap ng isang Chinese diplomat at ni AFP Western Command chief Vice Admiral Alberto Carlos.

“On an official stand, yes we support the move by the DFA. Definitely, they have to do this. If you’ve been following yung issue na ito, very unilateral yung declaration po ng ating Department of National Defense and the National Security Council, todo ang pag-deny to any gentleman’s agreement na sinasabi,” pahayag ni Gutierrez sa pulong balitaan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“Nakikita po natin – ito, personal opinion — nagiging desperado na po ‘yong China. Kasi what kind of a foreign state would try to intervene in our local politics by introducing fake or manipulated information?” tanong ni Gutierrez.

Naniniwala rin si Gutierrez na hindi makakakuha ng pormal na kasunduan ang China para sa resupply mission sa Ayungin Shoal kaya’t nag-imbento na lamang ng kuwento ang mga ito.

“To the point that hindi po sila makaka-secure ng formal agreement, they will try to play public perception by using unauthorized, wiretapped conversations, if it’s even real, baka nga po AI ito, we’ve seen it happen,” wika niya.

“With that, we support fully ‘yong DFA in this investigation and I hope that they would take the appropriate action regarding the Chinese narrative.”

Sinegundahan din ni Flores ang plano ng DFA at muling iginiit na isang ‘bully’ ang China.

“I support the investigation being conducted by the DFA, if they are gonna conduct one because it’s really just China being China, and it’s bullying us, they are not following our laws, our rules. So sa akin they are just being themselves, being bullies as they are,” ani Flores.

Tinuligsa rin nito ang ilang personalidad na tila pumapanig pa sa China sa usapin ng West Philippine Sea.

“It saddens me that some Filipinos, current and ex-officials of the government, are saying a different tune. We should be one in supporting our President, one in supporting our policies and one in protecting our sovereignty over these islands, over these areas,” saad niya

“So, if they are claiming that there is some form of an agreement, our actions speak differently, we’ve been continuously supplying our troops there, we’ve been continuously patrolling the area, we’ve been continuously conducting drills. So what agreement is there to talk about? There’s no such agreement,” sabi ni Flores.