Calendar
MMDA: EDSA West, North Ave ‘di pwede daanan simula Linggo
ISASARA sa lahat ng sasakyan simula sa Linggo ang bahagi ng EDSA malapit sa West at North Avenue mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw habang bubuksan ang apat na linya pagsapit ng alas-4:01 ng madaling araw hanggang alas-9:59 ng gabi upang bigyang daan ang paglalagay ng girder para sa Metro Rail Transit (MRT-7).
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Transportation (DOTR), kinakailangang isara ang bahaging ito ng EDSA upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.
Humingi ng tulong sa MMDA at Quezon City ang DOTR-Project Management Office upang maipatupad ang pansamantalang pagsasara ng naturang mga linya ng kalsada.
Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na magde-deploy sila ng mga traffic enforcers upang makatulong sa mga traffic marshals ng pribadong contractor ng DOTr.
“Minimal traffic is expected during the partial closure of portions of EDSA during nighttime but a big impact on traffic is expected during full closure to give way to the construction activities,” pahayag ni Artes.

