MPD Nagbigay ng pahayag si MPD Director PBGen. Arnold Abad tungkol sa pagkakaaresto sa 6 na pulis-Maynila na nakatalaga sa Malate Police Station 9.

MPD chief: 6 na tirador na parak ng MPD mananagot

Jon-jon Reyes Jan 30, 2026
165 Views

SINIGURO ni Manila Police District director P/BGen. Arnold Abad na tuturuan niya ng leksyon ang 6 na tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malate Police Station 9 na nahuling nanghoholdap.

Sinabi ni abad na iniimbestigahan na ng Criminal Investigation and Detection Group-Investigation Management Division (CIDG-IMD) ang 6 na parak-Manila na nangholdap noong Enero 28 bandang alas-8:10 ng gabi.

Binubuo ang 6 ng isang police staff sergeant at limang patrolmen na naaresto ng mga tauhan ng Makati City police sa hot pursuit operation at positibong kinilala ng mga biktima.

Nakuha ng MPD ang lahat ng nauugnay na dokumento, kabilang ang SDEU Coordination Form para sa MPD area of responsibility, Notice to Explain na inisyu sa agarang superbisor at sa mga naarestong tauhan at ang Relieved Order para sa Station Commander at lahat ng miyembro ng SDEU personnel ng PS-9.

“Tinitiyak namin sa publiko na hindi kukunsintihin ang mga maling pulis. Ang mga kaukulang kaso ay isasampa at ang bagay na ito ay iaangat sa mga kinauukulan,” sabi ni P/BGen. Abad.