Calendar
MMDA, LTFRB random drug test isinagawa; 2 positibo
NAGPOSITIBO sa paggamit ng ilegal na droga ang dalawa sa 32 bus drivers na dumaan sa sa random drug test ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at tatlo pang bus terminals sa Cubao, Quezon City noong Lunes.
Pinangunahan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang inspeksyon katuwang ang Land Transportation Office, (LTO) Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB), PNP-Highway Patrol Group (HPG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang seguridad at kaligtasan ng mga biyahero para sa Undas 2026.
Umabot sa 32 driver sa PITX ang isinailalim sa drug test at 1 ang positive habang 86 na driver ang sinuri sa Cubao bus terminal at isa sa kanila ang nagpositibo.
Sinabi ni LTO Chief Asec. Markus Lacanilao na sa oras na magpositibo sa confirmatory test ang dalawa, ire-revoke na ng tuluyan ang kanilang lisensya at kung mag-negatibo naman ay ibabalik muli sa kanila ito para makapagmanehong muli.
Sinuri rin ng ahensiya ang fire extinguishers at early warning devices para matiyak na handa ang mga bus sa anumang emergency.

