MOA

MOA para sa proyektong pabahay para sa 684 pamilya sa Dapa pinirmahan ng NHA, Dapa, HOA

Jun I Legaspi Oct 13, 2024
97 Views

PINIRMAHAN ng National Housing Authority (NHA) kamakailan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng ahensya, Dapa, Surigao del Norte; BCM Builders Inc., at Dapa Homeowners Association, Inc. (HOA) para sa proyektong pabahay para sa 684 pamilyang benepisyaryo sa lalawigan.

Pinangunahan ni NHA General Manager Joeben Tai ang paglagda sa MOA kasama sina Dapa Mayor Elizabeth Matugas, BCM President Nestor Borromeo, at HOA President Julius Navarro sa NHA boardroom sa Quezon City.

Itatayo sa Brgy. Osmeña ang 9-building Dapa Island Residences na may tig-tatlong palapag at magsisilbing bagong tahanan para sa mga benepisyaryo.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Tai ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa pagtugon sa pangangailangan sa pabahay ng mga pamilyang Pilipino, lalo na sa pagkamit ng layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na isang Bagong Pilipinas.

“Nagpapasalamat po ako sa Dapa LGU sa kooperasyon at pakikipagtulungan n’yo para masimulan ang proyektong ito. Isa po ito sa mga proyekto sa ilalim ng aking administrasyon na sinusubaybayan ko from planning to groundbreaking, to the construction,” sabi ni NHA GM Tai.

“Ang marching order po natin bilis-bilisan ang pag-construct para mai-turn-over na natin kaagad sa mga kababayan natin sa Surigao and hoping for more housing projects sa Dapa,” ayon sa GMA.

Ipinahayag naman ni Mayor Matugas ang kanyang pasasalamat sa NHA. “With this, the Dapanon are very thankful to the NHA for making this project into a reality.

This is a testament that President Marcos truly cares for the poor people, and will surely leave a mark in the hearts of my fellow Dapanon,” sabi ng mayor.