Calendar
Metro
Motor ng pumasok sa motel kinana, kumana nasilo
Melnie Ragasa Jimena
Mar 30, 2025
66
Views
TIMBOG ang mag-jowa sa Quezon City matapos umanong tangayin ang motorsiklo sa parking lot ng motel noong Sabado.
Sa ulat ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Hector Ortencio, bandang alas-10:30 ng gabi noong Marso 27 tinangay umano ng mag-jowa sa parking lot ng SOGO hotel sa Timog Ave., Brgy. South Triangle ang motor.
Kinabukasan, inireport ng biktima ang insidente at nadakip ang mga suspek bandang alas-1:55 ng madaling araw noong Sabado sa kanilang tirahan.
Narekober ng mga awtoridad ang Yamaha Nmax (531-NTO) at sabay na natiklo ang dalawa.
Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Republic Act 10883 (New Anti-Carnapping Law of the Philippines) sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Pasahero may pekeng baril sa NAIA, na-hold
May 13, 2025
Kelot todas sa kadyot
May 13, 2025
Panalo sa halalan sa Pasay, Munti, LP naiproklama na
May 13, 2025