Rotary Ang idinonate na laptop at printer ng Rotary Club Chinatown Manila sa MPD Malate Police Station 9 sa pamumuno ni PLt. Col. Norman Patnaan habang nakamasid ang Station Advisory Group sa Malate, Manila. JONJON C. REYES

MPD Malate PS 9 may laptop, printer mula sa Rotary Club Chinatown Manila

Jon-jon Reyes Sep 17, 2026
178 Views

Rotary1INABOT ng Rotary Club of Manila China Town D3810 sa pamumuno ni President Henry Tan kasama ang mga Past Presidents na sina Tess Tie, Edwin Carabbacan Dongguo Li. kay Police Lieutenant Colonel Norman Patnaan, hepe ng MPD Malate Police Station 9, ang idinonate na Asus laptop at printer sa Aristocrat sa Malate, Manila.

Ang nasabing donasyon ay dahil sa pakikipagtulungan ng Station Advisory Group sa pamumuno ni President Chairwoman Lilian Papa na siyang naging tulay para sa isinagawang donasyon.

Sa pahayag ni SAG President Papa, nagpasalamat sa mga nakiisa sa regular monthly meeting kasama ang mga kapulisan ng Malate Police Station (PS-9).

Lubos din ang pasasalamat ng grupong SAG at ng MPD Malate Police kay (ICP) Impact Creating Presiden Henry Tan Rotary Club Chinatown sa kanilang malaking tulong at sa donasyon na laptop at printer para sa Malate Police Station.

Maraming salamat kay PLt.Col. Norman Patnaan, Station Commander, sa kanyang pamumuno at suporta, gayundin sa lahat ng PCOs at personnel ng PS-9 at mga kasapi ng SAG na sina Lilian Papa, Peddy Sargado, Lito Dela Cruz, Punong Brgy. Jimmy Adriano,. Irah Joel,.Marjorie Mendez,.Darwin Barredo,. Pastor Bonie Ambita,.PB.Tony Quirante,..PB Rosauro Nonato,.Charlie Shin,.Dennise Racelis,.Joey Doggouli,.Felix Gan at si Kagawad Jon-Jon Reyes President ng MPD Press Corps,at Photo Journalist ng Peoples Journal Tonight bilang kinatawan ng Media Advisory Group ng nasabing Istasyon.

Dumalo din sina PMSg Divine Grace C Manansala,.PMSg Marcela T Cas-oy,.PSSg Ismael D Jamin at PSSg Mark Jewel C Santos bilang mga Representative of DOPD-PSMS mula sa Manila Police District Headquarters sa pamumuno naman ni PMaj.Allan Rosca.

Nag paabot din ng pasasalamat si PLT.Col.Norman Patnaan sa grupo ng Rotary at Station Advisory Group ng Malate Police station.9 sa donasyon aniya mapapabilis ang serbisyo at pag hahanap ng mga records ng bawat humihinge ng tulong sa tangapan ng Malate Police.