Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Yorme Pinulong ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga kapulisan ng Maynila sa pamumuno ni MPD Chief BGen. Benigno Guzman. Kuha ni JONJON C. REYES

MPD pinulong ni Yorme Isko, inutos na ikulong mga tolongges

Jon-jon Reyes Jul 1, 2025
487 Views

NAGPATAWAG ng pulong si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa mga miyembro ng Manila Police District na pinangunahan ni Police Brig.General Benigno Guzman at inatasan na hanapin ang mga tolongges at ikulong.

Inutos naman ni PBGen. Guzman sa Ilang opisyal ng MPD ang pag re-shuffle base sa ibinabang special order.

Kabilang sa mga na re-shuffle si PLt. Col. Wilfredo Fabros Jr. na malilipat sa District Personnel Holding and Accounting Section -District Personnel and Records Management Division (DPHAS-DPRMD).

Sa Office of the District Director (ODD) naman nalipat si PLt. Col. Alvin Christopher Baybayan.

Samantala, si PLt. Col. Rommel Salandanan Anicete ay madaragdagan ang tungkulin at responsibilidad bilang Officer-In-Charge ng Baseco Police Station (OIC,PS-13).

Naitalaga rin bilang Officer-in-Charge sa Barbosa Police Station si PLt. Col. Arwen de Silva na kasalukuyang chief ng District Holding Support Unit (DSHU).