Ms. Rodriguez namahagi ng blessings sa Mati sa pagtatapos ng 2023

227 Views

MULING ipinakita at pinatunayan ni Ms. Virginia Rodriguez na ang pagbibigay ay hindi nangangailangan ng tamang panahon, oras o lugar.

Ayon kay Ms.Rodriguez, sa bawat sandali ng ating buhay, ang pagtulong ay dapat laging mamalagi sa ating puso at isipan.

“Ito ang aking laging panuntunan sa buhay ang tumulong sa mga less fortunate nating mga kababayan,” ani Ms.Rodriguez.

Nitong nakalipas na Disyembre 28 at 29 o pagtatapos ng taong 2023, ginugol pa rin ni Ms.Rodriguez ang mga importante oras sa pagtulong sa mga kababayan Mindanao.

Muling nagpasaya at namahagi ng kanyang mga blessings si Ms. Rodriguez sa Barangay Badas, lungsod ng Mati, probinsya ng Davao Oriental.

Namahagi si Ms.Rodriguez ng food pack sa libung-libong pamilya at namigay pera sa mga matatanda at may kaoansanan na nakalagay sa red envelop na “ampao”.

Lubos naman ang saya ang nadama ng mga taong kanyang natulungan sa nasabing probinsiya. “Patuloy lang lumaban sa kahirapan at maging instrumento ng katatagan sa buhay dahil marami paring tulad namin na handang tumulong” pahayag pa ni Ms.Rodriguez.

Bago mag-pasko ay namahagi at nag-share ng Blessing si Ms.Rodriguez sa mga residente ng Tondo.

Sa mga darating pang mga buwan at taon ay mas marami pang mga magandang plano si Ms. Rodriguez upang higit na matulungan ang mga hikahos sa buhay lalo na yung mga nasa sektor ng agrikultura.

Likas kay Ms. Rodriguez ang pagiging matulungin sa kapwa na palagian siyang nagbabahagi ng kanyang blessing at higit sa lahat ang kanyang adbokasiya sa pagpapalaganap at pagsusulong ng organic farming, hangaring makatulong sa libu-libong magsasaka at mapababa ang presyo ng bilihin sa bansa.