Calendar
Municipal councilor, patay sa pamamaril sa Maguindanao del Sur.
PATAY ang isang konsehal ng bayan sa Maguindanao del Sur matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect sa tapat mismo ng kanyang bahay nitong Miyerkules.
Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Samaon Kitaloc, konsehal ng bayan ng Paglat.
Batay sa ulat ng Paglat Municipal Police Station, nakaupo sa tapat ng kanilang tahanan sa Barangay Poblacion ang biktima nang lapitan ng suspect at pinagbabaril.
Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspect lulan ng kulay itim na motorsiklo habang agad namang nasawi ang biktima.
Hinala ng mga kaanak ng biktima, may kinalaman ang pagpatay sa kanya sa kanyang pagiging aktibong taga-suporta sa mga police law-enforcement activities sa lahat ng sulok ng Paglat.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
