Calendar
Source: FB
Nagtulug-tulugan pinadampot 2 kawatan na kapilya nilooban
ARESTADO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang suspek na nanloob sa chapel sa Brgy. Sangandaan kamakailan.
Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, Officer-in-Charge ng QCPD, ang mga suspek na sina alyas Ron-Ron, 23, at Pod Angelo, 22.
Sa report ni P/Lt. Col. Bryan Pajarillo, hepe ng QCPD Talipapa Police Station 3, dakong alas-3:00 ng madaling araw noong Hunyo 23 puwersahang pinasok ng mga suspek ang isang silid sa Saint Benedict Chapel sa Paradise Village at tinangay ang laptop na nagkakahalaga ng P40,000 at cellphone na nagkakahalaga ng P24,000.
Ayon sa isang bantay ng chapel, nakita niya ang pagnanakaw ng mga suspek pero dahil sa takot ay nagtulog-tulugan na lamang siya.
Nang makaalis ang mga suspek, iniulat ng biktima ang insidente sa mga mga awtoridad at agarang nadakip ang dalawang kawatan.
Narekober sa mga suspek ang isang sumpak na kargado ng bala at ang mga ninakaw na mga gadgets at gamit sa chapel.
Kinasuhan na ang mga suspek ng robbery at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa Quezon City Prosecutor’s Office.

