Rape

Nambiktima ng menor de-edad arestado

Edd Reyes May 16, 2026
24 Views

DINAKIP ng mga pulis sa kanyang bahay ang 45-anyos na lalaki na wanted sa panghihipo at paghawak sa maseselang parte ng katawan ng menor de-edad na biktima noong Biyernes sa Las Piñas City.

Alas-4:30 ng hapon nang pasukin ng mga pulis ang bahay ni alyas “Allan” sa Lovely Homes, Sampaloc Site, Brgy. Almanza Uno.

Sa ulat kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco, nahaharap ang akusado sa mga kasong acts of lasciviousness, statutory acts of lasciviousness, sexual assault at statutory sexual assault na isinampa ng mga magulang ng batang biktima niya.

Naaresto ang suspek sa tulong ng warrant of arrest na inilabas ni Las Piñas City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Nerina CN Anastacio-Mendinueto ng Branch 199.

Naglaan naman ng kabuuang piyansang P436,000 ang korte para sa pansamantalang paglaya ng suspek.