Suspek

Nanghalay, pumatay laglag sa parak

Steve A. Gosuico May 19, 2026
18 Views

CAMP GEN. MARIANO N. LLANERA, Cabanatuan City – Bagsak sa kamay ng batas ang binata na nahaharap sa kasong statutory rape at tatlo pang kriminal sa Nueva Ecija noong Lunes.

Ayon kay Nueva Ecija police chief P/Col. Ritchie Claravall, nasukol ang rape suspek na si alyas “Aaron,” 19, sa manhunt sa bahay niya dakong alas-4 ng hapon.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng arrest warrant para sa kasong statutory rape galing sa Cabanatuan City Regional Trial Court Branch 8.

Tatlong iba pang suspek sa mga kaso ang nadakip sa Cuyapo, Science City of Muñoz at Guimba para sa kasong attempted homicide, illegal gambling at qualified theft.

“Patuloy na paiigtingin ng NEPPO ang manhunt operations upang siguraduhin na itong mga pinaghahanap ng batas ay agad masukol,” pahayag ni Claravall.