Calendar
Provincial
Nangholdap, tumangay ng P.5M na-trace sa GPS ng CP ng biktima
Jojo Cesar Magsombol
Jun 14, 2026
274
Views
ANGONO, RIZAL–Isang lalaki ang naaresto noong Biyernes matapos holdapin ang isang pedestrian at tangayin ang may kalahating milyong pisong halaga ng mga ari-arian sa Brgy. San Isidro sa bayang ito.
Kinilala ng Angono police ang suspek na si alyas Jano, 28, at ang biktima na si alyas Jimmy, 38.
Naganap ang insidente bandang alas-3:20 ng hapon noong Hunyo 12 sa Don Mariano Santos Avenue.
Tinangay ng suspek ang iPhone 17 Pro Max na nagkakahalaga ng P80,000 ng biktima pati ang gold necklace na nagkakahalaga ng P400,000 bago tumakas.
Natunton ang suspek sa Brgy. Bagumbayan sa tulong ng GPS locator ng ninakaw na cellphone.
Nadakip ang suspek at nabawi ang iPhone 17 Pro Max bagamat hindi na narekober ang ginamit na patalim at ang gintong kwintas.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

