Suspek Arestado ang suspek sa pagtangay ng motorsiklo sa follow up operation ng mga operatiba ng MPD sa Antipolo City. Kuha ni JONJON C. REYES

Nangnenok ng motor nalambat

Jon-jon Reyes Jul 21, 2025
230 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang umano’y tirador ng motorsiklo sa Maynila sa isang operasyon sa Cogeo, Antipolo City noong Sabado.
Nakilala ang naarestong suspek na si alyas Al, 28.

Base sa imbestigasyon ng MPD Station 3, noong Hulyo 19 huling kumana ng motor ang suspek ng tangayin ang itim na Honda Click (586-QBB) habang nakaparada sa Vision St., Brgy. 371, Sta. Cruz, Manila.

Nagtungo sa barangay at sa pulis ang nabiktima niya para isumbong ang pagnanakaw sa kanyang motorsiklo.
Kumilos ang mga operatiba ng MPD station 3 sa pamumuno ni P/Capt. Ferdinand Cayabyab kaya nahuli ang suspek.

Nadiskubre sa social media na ang motorsiklo ay agad na ibinibenta online.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10883 o The New Carnapping Law of 2016.