50 gramong shabu nakuha sa suspek na tulak
Aug 22, 2026
50 gramong shabu nakuha sa suspek na tulak
Aug 22, 2026
Workaholic girlalu at chopopong hubby jiwalay na?
Aug 22, 2026
Calendar
Metro
Bata, 11, nilulon ng ilog sa Caloocan
Edd Reyes
Jul 21, 2025
421
Views
HINDI pa nahahanap ang 11-taong gulang na batang lalaki na nalunod sa ilog habang malakas ang ulan noong Sabado sa Caloocan City.
Inatasan ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) na huwag tigilan ang paghahanap sa biktima hangga’t hindi natatagpuan ang katawan nito.
Ayon sa report, nadulas at nahulog ang bata sa Creek Side na malapit sa NHC Elementary School sa Brgy. 186 sa kasagsagan ng ulan.
Pahirapan ang paghahanap ng mga awtoridad, kasama na ang Philippine Coast Guard (PCG) at Barangay Rescue, bunga ng pabugso-bugsong ulan at zero visibility sa ilog.
Tiniyak ng CDRRMD na hindi sila titigil sa paghahanap sa katawan ng bata hangga’t hindi ito nakikita.
Atienza nasa top 10 VMs ng Pinas
Aug 22, 2026
4 binawian ng buhay sa sunog sa Pasay
Aug 21, 2026
Kelot nanloob ng bahay, na-track ng GPS, natugis
Aug 21, 2026
Suspek sa panghoholdap tiklo
Aug 20, 2026

